MENU

ROME 14 November 2022 – The Philippine Embassy in Rome and its partner agencies, in cooperation with the Philippine Consulate in Cagliari, headed by Consul Danilo Cannas, a.h., rendered a total of 367 services, excluding inquiries, to overseas Filipinos in Sardinia, Italy from 12 to 13 November 2022 during a consular outreach program held at Congregazione Figlie delle Carità, Via dei Falconi 10, Cagliari, Sardinia, Italy.

Chargé d'Affaires, a.i. Nina P. Cainglet led the consular team that processed the passport applications of 171 overseas Filipinos. Other services rendered included release of passport, civil registry (Report of Birth and Report of Marriage), notarization, certification, and oath taking of eight second-generation overseas Filipinos who retained/re-acquired their Filipino citizenship under Republic Act No. 9225, as well as services from the Philippine Overseas Labor Office (POLO) and Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). The team also addressed inquiries on consular and assistance to nationals services.

This is the first consular outreach mission in Sardinia of the Embassy and its partner agencies since 2019 due to the COVID-19 pandemic, and the ninth consular outreach mission for 2022. END

ROMA ika-14 ng Nobyembre 2022 – Ang Embahada ng Pilipinas sa Roma at ang mga katuwang na ahensya nito, sa pakikipagtulungan ng Konsulado ng Pilipinas sa Cagliari na pinamumunuan ni Consul Danilo Canlas, a.h., ay nagbigay ng kabuuang serbisyo na 367, maliban sa mga katanungan, sa mga Pilipino sa Sardegna, Italia, mula ika-12 hanggang ika-13 ng Nobyembre 2022 sa consular outreach program na ginanap sa Congregazione Figlie delle Carità, Via dei Falconi 10, Cagliari, Sardegna, Italia.

Pinangunahan ni Chargé d'Affaires, a.i. Nina P. Cainglet ang pangkat ng Konsulado na nag-proseso ng 171 na aplikasyon para sa pasaporte ng mga Pilipino. Ang pangkat ay nagkaloob rin ng ibang serbisyo kagaya ng pag-release ng bagong pasaporte, civil registry (Ulat ng Kapanganakan at Ulat ng Kasal), notarisasyon, sertipikasyon, at panunumpa ng walong pangalawang henerasyon ng mga Pilipino upang mapanatili o muling makakuha ng kanilang Filipino citizenship sa ilalim ng Batas Republika Bilang 9225, gayundin ang mga serbisyo mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Tinugunan din ng pangkat ang mga katanungang consular at may kaugnayan sa assistance to nationals.

Ito ang kauna-unahang consular outreach mission sa Sardegna ng Embahada at mga katuwang nitong ahensya mula 2019 dahil sa pandemya, at ang ika-siyam na consular outreach mission ngayong 2022. - WAKAS

Slide1 1

Slide2 1