Rome, 18 July 2022. The Embassy of the Republic of the Philippines in Rome, in partnership with the Philippine Consulate in Reggio Calabria, successfully conducted a Mobile Outreach Mission on 16 July 2022 from 9:00 a.m. to 7:00 p.m. at the Palazzo Alvaro, city of Reggio Calabria.
The team was headed by Consul General Donna Feliciano-Gatmaytan of the Embassy, and Consul Francesco Mortelliti, a.h., the good honorary consul, ad honorem of the Philippines in Reggio Calabria.
More than 400 services were delivered by the team to the Filipinos working and living there. These services include passport application processing, registration of the birth of children born to Filipinos in Italy, and registration of marriage conducted in Italy where at least one of the couple is a Filipino citizen. Information and consular counseling services were also rendered.
The Philippine Overseas Labor Office (POLO) headed by Labor Attache, Atty. Haney Siclot and the Overseas Workers Welfare Agency (OWWA) headed by Welfare Officer, Ms Norlita Lugtu, attached agencies of the Philippine Embassy, attended to the Filipino overseas workers and OWWA members who eagerly sought their assistance and advice on work and OWWA membership-related matters.
Consul General Donna Feliciano-Gatmaytan called on the Honorable Carmelo Versace, Acting Mayor of Reggio Calabria to thank him for the support given to the consular mission on that day at the stately Palazzo Alvaro which is the seat of the City of Reggio Calabria. Mayor Versace graciously welcomed the conduct of the outreach at the Palazzo Alvaro. He made sure that the team had a large hall as a venue for the consular mission, and provided all the necessary support for the mission.
End.
PAHAYAG TUNGKOL SA MISYON KONSULAR SA REGGIO CALABRIA NOONG IKA-16 NG HULYO, 2022
Roma, Ika-18 ng Hulyo, 2022. - Nagdaos ang Embahada ng Pilipinas at ang Konsulado ng Pilipinas sa Reggio Calabria ng isang matagumpay na misyon Konsular noong ika-16 ng Hulyo, 2022 mula 9:00 ng umaga, hanggang 7:00 ng gabi sa Palazzo Alvaro, lungsod ng Reggio Calabria.
Ang pangkat ay pinamunuan ni Punong Konsul Donna Feliciano-Gatmaytan ng Embahada, at ni Konsul Francesco Mortelliti, a.h., ang butihing konsul ad honorem ng Pilipinas sa Reggio Calabria.
Mahigit 400 na serbisyo consular ang ibinigay ng pangkat sa mga Pilipino na naghahanapbuhay at naninirahan doon. Kasama sa mga serbisyong ito ang pagproseso ng aplikasyon para sa pasaporte, pagpapatalá ng kapanganakan sa Italya ng mga anak ng mga Pilipino, pagpapatalá ng mga kasal na isinagawa sa Italya kung saan ang isa sa mag-asawa o pareho sa kanila ay mamamayan ng Pilipinas. Nagbigay din ang pangkat ng payo tungkol sa mga suliraning consular at tinugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino para sa impormasyon tungkol sa mga serbisyo consular.
Ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa pangunguna ni Labor Attaché, Atty. Haney Siclot, and ang Overseas Workers Welfare Agency (OWWA) sa pangunguna ni Bb. Norlita Lugtu, ay nag-asikaso din sa mga mangagawang Pilipino at mga miyembro ng OWWA na humingi ng payo tungkol sa kanilang mga kontrata at sa mga katanungan nila na may kinalaman sa pagiging kasapi sa OWWA.
Nagkaroon ng pagkakataon si Punong Konsul Feliciano-Gatmaytan na makipagkita ng personal kay Kgg. Carmelo Versace, ang pansamantalang tumatayong alkalde ng Reggio Calabria, upang magpasalamat sa suporta niya para sa serbisyo konsular lalo na sa pagbigay nito ng lugar sa marangal na gusali ng lungsod, ang Palasyo Alvaro kung saan isinagawa ang misyon. Siniguro ni Alkalde Versace na mabigyan ng malaking bulwagan ang pangkat kung saan gaganapin ang misyon, at magkaroon ng kinakailangang suporta ang pangkat.
Wakas.