ROME, 06 July 2022. The Philippine Embassy in Rome in partnership with the Philippine Consulate in Palermo, Sicily conducted consular services for the Filipino community in Sicily from 25 to 26 June 2022. The mission was held at Ex Scuderia Pallazzo Cefala, Via Alloro n.99, Palermo. Overseas Filipinos from municipalities as far as Agrigento, Enna, and Siracusa went to Palermo to avail of the consular services.
Consul General Donna Feliciano-Gatmaytan and Consul Antonino di Liberto, a.h. headed the team in delivering more than 445 services during the mission for the Filipinos in the area. The mobile mission team rendered passport and notarial services, report of marriage, report of birth of babies, and other services.
Welfare Officer Norlita Lugtu of OWWA and Assistant Labor Attaché Rosemarie Luntao of POLO on the other hand also led the conduct of orientation briefings about the services available for the Filipino workers from their agencies, including OWWA membership.
Twenty-four Filipino citizens who subsequently acquired Italian citizenship also took their respective oaths of allegiance to the Republic before Vice Consul Nadine Rosario M. Morales, pursuant to the process mandated under the Citizenship Reacquisition and Retention Act (R.A. 9225) to retain their Filipino citizenship. END
ROME, 06 July 2022. - Nagsagawa ang Pasuguan ng PIlipinas sa Roma, kasama ang Konsulado sa Palermo, ng isang misyon konsular para sa komunidad ng mga Pilipino sa Sicilia mula ika-25 hanggang ika-26 ng Hunyo, 2022. Ginanap ang misyon sa Ex Scuderia Pallazzo Cefala, Via Alloro n.99, Palermo. May mga Pilipino na nagmula pa sa malalayong munisipyo tulad ng Agrigento, Enna at Siracusa na nagtungo sa Palermo para maka-tanggap ng serbisyo konsular.
Pinamunuan ni Punong Konsul Donna Feliciano-Gatmaytan at ni Konsul Antonino di Liberto, a.h. ang pangkat sa pagbibigay ng mahigit 445 serbisyo konsular sa mga Pilipino sa lugar. Nagbigay ang pangkat ng serbisyo kagaya ng pagtanggap ng aplikasyon para sa pag-isyu ng pasaporte, pag-notaryo ng sinumpaang salaysay, pagtatala ng kasal, pagtatala ng kapanganakan ng mga sanggol, at iba pang serbisyo.
Pinangunahan naman nina Welfare Officer Norlita P. Lugtu ng OWWA at ni Assistant Labor Attaché Rosemarie G. Luntao ng POLO ang oryentasyon para sa mga manggagawa tungkol sa serbisyo ng kanilang mga ahensya, kabilang na ang pagtanggap ng aplikasyon para maging miyembro ng OWWA.
Dalawangpu’t apat na Pilipino na naging mamamayan na din ng Italia, ang nanumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas, sa harap ni Bise Konsul Nadine Rosario M. Morales, alinsunod sa proseso na itinakda sa ilalim ng Citizenship Reacquisition and Retention Act (R.A. 9225) para manatiling mamamayan ng Pilipinas. WAKAS