MENU

28 Oktubre 2014

Sa Ating mga Kababayan sa Malta,

Nagagalak akong ipaalam sa inyo na ang Philippine Embassy Rome ay muling bibisita ngayon taon sa Malta para sa isang Consular Outreach Mission.

Sa Consular Outreach Mission na ito na gaganapin sa 22-23 Nobyembre 2014 mula 08.30AM hanggang 05.00PM sa Millenium Church, ang Embassy ay magbibigay ng mga sumusunod na Consular Services:

a. Report of Birth at Application for New Passports (para sa mga bata)
b. Renewal of Passports
c. Legal Services - Sinumpaang Salaysay (Affidavits), Special Power of Attorney
(SPA), NBI Application
d. Report of Marriage
e. Verification of Labor Employment Contracts
f. Registration/Certification as Overseas Voter

Sa pag-apply ng pasaporte para sa mga bata, kinakailangan po ang Birth Certificate ng bata, Marriage Contract ng mga magulang (kung kasal) at pasaporte ng mga magulang.

Sa pag-renew ng pasaporte, mangyari lamang pong isumite ang inyong mga Passport Application Forms (mula sa Philippine Embassy Rome website: www.romepe.dfa.gov.ph) kalakip ang kopya ng pasaporte, Residence Permit at iba pang Identification Cards. Maaring isumite ang inyong mga dokumento sa ating mga kababayan sa Malta na sila:

Ms. Mona Rogong (+356 79903339)
Ms. Veronica Ugates ng Filipino Community in Malta (+356 99587041)
Ms. Letty Siddom ng Samahang Simbahan (+356 99290216)

Para sa mga kailangan ng Sinumpaang Salaysay (Affidavit) at Special Power of Attorney (SPA), dalhin lamang po ang inyong mga passports at ang kopya nito. Inaaanyayahan ko kayong lahat na magpunta sa Consular Outreach Mission na ito. Para sa inyong mga katanungan, maaari kayong sumulat sa Philippine Embassy Rome sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. (Attention: Vice Consul Marge Malang).

Maraming salamat po!

Sumasainyo,

(signed)
LEILA C. LORA-SANTOS
Charge d’Affaires, a.i.