MENU

16 June 2013, ERGIFE Palace Hotel

Malugod na ipinaaalam ng Philippine Embassy, Rome ang opisyal na pagbisita sa Italy ng ating kagalang-galang na Kalihim ng Agrikultura, Proceso Alcala, ngayong darating na Hunyo.

Isa sa pinakaimportanteng aspeto ng pagbisita ni Sec. Alcala ang pagsasagawa ng mga AgriBusiness Forum na gaganapin sa Roma, Turino at Milano para ipagbigay alam sa ating mga kababayan ang ibat-ibangagribusiness prospects sa Pilipinas, at hikayatin tayong mag-invest sa agriculture at fisheries sa ating bansa.

Kasama ni Sec. Alcala ang ilang matataas na opisyal at technical experts ng Department of Agriculture.

Mayrong forum ukol sa investment opportunities sa pananim (crops), alagaing hayop (livestock), at palaisdaan (fisheries), at bawat isa nito ay pamumunuan ng mga eksperto mula sa Department of Agriculture.

Sila rin ay magbibigay gabay kung paano magsimula ng negosyo sa mga agribusiness sectors na ito.

Ang unang Agribusiness Investment Forum sa Italy ay gaganapin sa Rome sa ika-16 ng Hunyo 2013, 1300H sa ERGIFE Palace Hotel.

Kung kayo ay interesadong dumalo sa forum na ito, paki-fill-up ang kalakip na Registration Form at ipadala kaagad sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

Bukod sa pagtulong sa inyong pamilya, ang pag-invest sa ating agrikultura at palaisdaan ay malaking tulong din sa pagtaguyod ng rural development sa ating bansa.

Dahil dito, malugod na inaanyayahan ang lahat para lubusin ang pagkakataong maka-attend sa agribusiness forum, hindi lang para makapagbalitaktakan kay Secretary Alcala at kanyang delegasyon, kungdi para matuto at maliwanagan sa mga investment opportunities sa larangan ng agriculture at fisheries.

Magkita-kita tayo sa ika-16 ng Hunyo sa ERGIFE Palace Hotel.