Ang Embahada ay lumikha ng dedicated hotline number at email address para sa mga mangangailangan ng serbisyong konsular kaugnay sa kanilang aplikasyon para sa regularization program ng bansang Italya.
Hotline Number :+39 333 688 1522
(Maaaring tumawag mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM,
Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holiday )
Email Address: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Gagawin ng Embahada ang buong makakaya upang magbigay ng documentary assistance sa mga Pilipino na maga- apply sa nasabing programa alinsunod sa patakaran ng Department of Foreign Affairs tungkol sa paghahatid ng serbisyong konsular at sa pinaiiral na social distancing. Prayoridad ng Embahada na mapanatili ang kalusugan ng mga kliyente at empleyado nito.
Maraming salamat po.