MENU

Sa naiulat na mga lindol ngayong umaga sa Sentral Italya na may lakas na 5.3 (10:25AM) at 5.4 (11.14AM) kung saan naitala ang epicenter na malapit sa mga comune ng Montereale, Capitignano, Amatrice, Campotosto, Barete, Pizzoli sa mga probinsya ng L’Aquila at Rieti, ang Embahada ng Pilipinas sa Roma ay muling nagpapaalala sa lahat ng mga mamamayang Pilipino na maging alerto sa “aftershocks” at sa ano mang sakuna na maaaring idulot nito.

Lahat ay pinapayuhan na alamin ang mga advice at instructions ng mga awtoridad na nakakasakop sa lugar na inyong kinaroroonan.

Ang opisina ng Dipartamento Protezione Civile ay maaring matawagan sa numero ng telepono 800-840-840; Protezione Civile – Abruzzo (800-861-016 / 800-860-146) at Lazio (800-276-570/803-555). Ang emergency hotline naman ng Embahada ng Pilipinas ay 3286907613.