MENU

30 Oktobre 2016 - Mahalagang Paalala

Sa naiulat na lindol ngayong umaga sa Sentral Italya na may lakas na 7.1, kung saan naitala ang epicenter sa mga probinsya ng Macerata at Perugia, ang Embahada ng Pilipinas sa Roma ay muling nagpapaalala sa lahat ng mga mamamayang Pilipino na maging alerto sa “aftershocks” at sa ano mang sakuna na maaaring idulot nito.

Lahat ay pinapayuhan na alamin ang mga advice at instructions ng mga awtoridad na nakakasakop sa lugar na inyong kinaroroonan.

Ang opisina ng Dipartamento Protezione Civile ay maaring matawagan sa numero ng telepono 800-840-840; Protezione Civile – Marche (840-001111) Umbria (0742-630-777) at Lazio (800-276-570/803-555). Ang emergency hotline naman ng Embahada ng Pilipinas ay 3286907613.