MENU

PAALALA

Ipinaaalala ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa mga Filipino sa Italya, Malta, San Marino, at Albania na ang pagkuha ng appointment para sa anumang serbisyong konsular ay libre.

Maaaring kumuha ng appointment gamit ang romepe.timetap.com. Kung walang access sa internet o kung kailangan ninyo ng tulong sa pagbu-book, maari po kayong tumawag sa (+39) 333 8160487. Ang mga may agarang pangagailangan o urgent needs para sa pagkakaroon ng pasaporte o travel document ay maaaring tumawag o mag-email sa Embahada upang mabigyan ng appointment.

Ang mga nangangailangan naman ng tulong na pang-emergency ay maaaring tumawag sa Embahada sa emergency hotline: (+39) 334 658 2118.

Tandaan din po na ang Embahada ay magpoporoseso lamang ng mga kahilingan o requests para sa serbisyong konsular galing sa mismong aplikante o kanyang pamilya (immediate family members tulad ng asawa, anak, ina, o ama). 


Ang mga doble o maraming appointment na hindi naman mapapatunayang ginawa para sa kapamilya ay awtomatikong ikinakansela. Ibina-block din ang email address na gumagawa nito. 

Ang sinumang mahuhuli na humihingi ng bayad para sa pagkuha ng appointment ay maaaring patawan ng kaukulang parusa. Ipagbigay-alam sa Embahada kung sakaling makakita ng mga ganitong transaksyon.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.