MENU

ROME PE

Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa mga may balak pumunta sa Pilipinas na kailangang sumailalim sa mandatory COVID-19 testing at mandatory quarantine sa mga government quarantine facility o hotel na accredited ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang lahat ng mga darating sa Pilipinas mula sa ibang bansa.

Kaugnay nito ay magpapatupad ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng QR Code System para mapabilis ang proseso ng mga nasabing mandatory health protocols pagdating sa Pilipinas.

Lahat ng mga darating sa Pilipinas mula sa ibang bansa ay pinapayuhang sagutan ang Electronic Case Investigation Form (e-CIF) upang makakuha ng QR Code bago lumapag sa NAIA.

Para makakuha ng QR Code, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
1. Buksan ang internet browser at i-type ang ecif.redcross.com.ph.
2. Sagutan ang form at i-click ang Submit.
3. I-screenshot o i-print ang kopya ng QR Code.
4. Ipakita ang QR Code habang sumasailalim sa health assessment para sa COVID-19 testing sa airport.

Para sa listahan ng mga quarantine facilities sa Pilipinas na accredited ng BOQ, bisitahin ang sumusunod na link: http://quarantine.doh.gov.ph/facilities-inspected-as-of-june-11-2020/.

Maraming salamat po.

16 Hunyo 2020