1. Ano ang operation hours ng Embahada at ang mga serbisyong konsular na maaaring i-apply?
Schedule |
Serbisyong Konsular |
May 18 – 29 10:00 AM – 3:00 PM Lunes hanggang Biyernes
|
|
June 1 – onwards 9:00 AM – 5:00 PM Lunes hanggang Biyernes |
|
2. Gusto kong mag-apply ng serbisyong konsular (e.g., passport, notarial services, certificate, civil registry, dual citizenship). Kailangan ko bang kumuha ng appointment para sa serbisyong konsular?
Opo, kailangan ninyong kumuha ng appointment.
Ang lahat ng serbisyong konsular ng Embahada ay sa pamamagitan ng appointment lamang upang umayon sa social distancing regulations at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.
Para sa mga serbisyong konsular na i-pro-proseso ng Embahada simula sa 01 Hunyo 2020, maaaring kumuha o mag-book ng appointment para dito simula sa 25 Mayo 2020.
3. Paano kumuha ng appointment para sa mga serbisyong konsular?
Maaari po kayong mag-log sa https://romepe.timetap.com para makakuha ng appointment sa Embahada. Ang video tutorial kung paano makapag-book ng appointment ay mapapanood sa:
https://www.facebook.com/PHinItaly/videos/255950525715607/
Kung wala kayong access sa internet o kung kailangan ninyo ng tulong sa pagkuha ng appointment, maaari kayong tumawag sa (+39) 333 816 0487 o (+39) 366 4454704.
Ang pagkuha ng appointment ay libre.
4. Kapag hindi ako nakarating sa aking appointment, maaari ba akong mag-walk-in sa ibang araw dahil ako ay nakapagpa-lista na?
Hindi po. Kung hindi po kayo nakarating sa scheduled appointment, kinakailangang ninyong kumuha ng panibagong appointment.
5. Pwede ba akong mag-walk-in?
Hindi po tumatanggap ng walk-in clients ang Embahada upang mapanatili ang physical distance ng mga kliyente at ang mga processors sa consular service area.
6. May mga safety measures ba para sa mga kliyente na ipinapatupad ang Embahada para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19?
Opo. Prayoridad ng Embahada ang kaligtasang pangkalusugan ng mga kliyente at empleyado nito.
Alinsunod sa pinakabagong Italian decree law, ang Embahada ay mahigpit na ipinapatupad ang mga sumusunod:
o No appointment, no entry policy
o No face mask (or any mouth and nose covering), no entry policy
o No escort policy (maliban sa PWD, buntis, senior citizens, minors)
o Physical distancing ng mga kliyente at empleyado
o Mag-laan ng sapat na panahon upang makarating sa Embahada sa oras ng appointment at lumabas agad ng Embahada pagkatapos nito.
7. Paano ko malalaman kung available na ang aking passport?
Tingnan kung ang inyong pangalan ay nasa listahan ng “ePassports for release” na matatagpuan sa kanang panig ng home page ng website ng Embahada: https://romepe.dfa.gov.ph/.
8. Ano ang mga dapat kong dalhin sa pagkuha ng pasaporte?
a. Lumang pasaporte (Old passport)
b. Resibo ng pinagbayaran (Receipt)
9. Maaari ko bang i-delega ang pagkuha ng aking passport?
Opo, ngunit ito ay maaari lamang i-delega sa iyong asawa, anak na may edad 18 pataas, magulang o kapatid. Kailangan ring magpakita ng authorization letter at valid ID.
10. May financial assistance ba para sa mga OFWs sa Italya na naapektuhan ng COVID-19 pandemic mula sa Philippine Government?
Meron po. Ang DOLE-AKAP program ay pinapamahalaan ng Office of the Labor Attache (POLO-Rome). Ang mga eligible OFWs ay maaaring makakuha ng USD200 na one-time financial assistance mula sa programang ito.
11. May repatriation program ba para sa mga Pilipinong gustong umuwi ng Pilipinas dahil sa COVID-19 crisis?
Nagsagawa ng repatriation flight ang DFA noong 28 Abril 2020 para sa mga Pilipino mula sa iba’t-ibang bahagi ng Italya.
Sa ngayon, wala pang katiyakan kung may susunod na repatriation flight mula sa Italya. Ang mga requests for repatriation ng mga Pilipino na pinapadala sa Embahada ay itinatala at dumadaan sa evaluation.
Wala ring katiyakan kung may magaganap na repatriation flight para sa mga Pilipino mula sa Malta.
Para sa mga gustong mag-request for repatriation, maaaring mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ng kanilang mga detalye.