MENU

ROME PE

Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma na simula sa ika-1 ng Hunyo 2020 (01 June 2020) ay manunumbalik na ang lahat ng regular na serbisyo ng Embahada (maliban sa visa).

Alinsunod sa Italian decree law na inilabas ng bansang Italya noong 16 May 2020, na nagtatakda ng pagpapatupad ng striktong physical distancing at pagbabawal ng anumang uri ng mass gathering, ang Embahada ng Pilipinas ay kasalukuyang nagpapatupad ng online appointment system sa lahat ng serbisyo. Magsisimula nang tumanggap ng appointments sa lahat ng serbisyo (maliban sa visa) sa ika-25 ng Mayo 2020.

Gaya nang nai-anunsyo sa aming advisory noong ika-4 ng Mayo 2020, ang appointments sa releasing ng passport, travel document, at Report of Death ay nagsimula na at ito ay nagpapatuloy.

Para kumuha ng appointment, i-click ang link na ito: https://romepe.timetap.com/#/

Ang video tutorial kung paano mag-book ay mapapanood sa:
https://www.facebook.com/PHinItaly/videos/2628747277395730/

Kung walang access sa internet o kung kailangan ninyo ng tulong sa pagbu-book, maari po kayong tumawag sa (+39) 328 6907613 / (06) 39746621 local 223.

Alinsunod pa rin sa nasabing Italian decree law dated 16 May 2020, ang Embahada ay magpapatupad ng mga sumusunod:

1) No appointment, no entry policy; Upang kayo ay aming mapag-lingkuran, gamitin ang buzzer na matatagpuan sa pedestrian gate ng Embahada.
2) No face mask (or any mouth and nose covering), no entry policy;
3) No escort policy (except for PWDs, pregnant women, senior citizen, minors); at
4) Strict physical distancing.

Sundan po ang mga signages na makikita sa loob at paligid ng Embahada para mapanatili ang 1.5 metro na pagitan mula sa inyong kapwa kliyente at mula sa aming mga empleyado.

Para sa requests for assistance to nationals, maaari po kayong mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa (+39) 334 6582118 / (+39) 3664454704.

Prayoridad po ng Embahada ang kaligtasan ng publiko at ng mga empleyado nito. Amin pong pinahahalagahan ang patuloy na pagtitiyaga at pang-unawa ng publiko sa ating pagpapatuloy-serbisyo sa ilalim ng "bagong normal" sa gitna ng pandemyang COVID-19.