Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa lahat ng Pilipino sa Italya na naglabas ng bagong dekreto ang Presidente ng Konseho ng mga Ministro noong ika-16 ng Mayo 2020 na nagtatakda nang pagluwag sa mga patakaran upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa Italya.
Sa kabila ng mga pagluluwag sa ilalim ng nasabing dekreto, patuloy pa ring ipinatutupad ang mga safety protocols sa lahat ng establisyimento tulad ng pagsunod sa physical distancing na hindi bababa sa 1 metro, paggamit ng masks sa mga closed spaces at pampublikong sasakyan at paglalagay ng mga hand sanitizers.
Patuloy ding ipinagbabawal ang pagtitipon ng mga tao, sa parehong pribado at pampublikong lugar.
Pinapayuhan ng Embahada ang lahat na patuloy na alagaan ang pansariling kalusugan at sumunod sa mga alituntunin ng bansang Italya para maiwasan ang paglaganap ng COVID.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga patakarang ipinapatupad ng Gobyerno ng Italya bisitahin ang:
https://www.esteri.it/MAE/it/ministero/normativaonline/decreto-iorestoacasa-domande-frequenti
Maraming salamat po.
17 Mayo 2020