Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa lahat ng Pilipino sa Italya ang mga sumusunod na impormasyon ukol sa legal na estado ng mga dayuhan sa bansa sa panahon ng COVID-19 outbreak ayon sa paglilinaw ng Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation noong 11 Mayo 2020:
• Permesso di Soggiorno – Sa ilalim ng Dekreto No. 18 na ipinasa noong ika-17 Marso 2020, ang permesso di soggiorno, na nag-expire o nakatakdang mag-expire sa pagitan ng 31 Enero 2020 hanggang 31 Hulyo 2020, ay mananatiling balido hanggang 31 Agosto 2020.
• Dayuhan sa Italya – Ang mga dayuhan na nasa Italya para sa maiksing panahon na hindi makauwi sa kanilang mga bansa dahil sa force majeure (i.e. kakulangan ng flights) ay maaaring manatili sa bansa kahit na malapit nang mag-expire o expired na ang visa. Ang mga dayuhang nabanggit ay hindi kinakailangan mag-apply ng visa extension ngunit kailangang umalis agad ng Italya sa sandaling maaari nang makauwi sa kanilang mga bansa.
Maraming salamat po.
12 Mayo 2020