MENU

ROME PE

ADVISORY

Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma na simula ika-18 ng Mayo 2020, ang seksyong Konsular ng Embahada ay bukas mula 10:00 AM hanggang 3:00 PM, upang tugunan ang mga sumusunod na serbisyo:

1. Releasing ng passport, certificato, at notaryadong dokumento na available na bago ang lockdown
(Upang makumpirma kung ang iyong passport ay available na, pumunta sa website ng Embahada sa pamamagitan ng pag-click ng link na ito: https://romepe.dfa.gov.ph/)
2. Emergency travel document
3. Report of Death at pag-apply ng Nulla Osta

Bilang pagrespeto at pagsunod sa patakaran ng bansang Italya ukol sa paglaban sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng inter-personal distancing at pagbabawal ng anumang uri ng mass gathering, ang Embahada ay striktong magpapatupad ng appointment system at paggamit ng face mask sa loob ng Embahada.

Antabayanan ang mga detalye kung paano kumuha ng appointment sa susunod na mga araw, sa website at Facebook Page ng Embahada.

Ang passport application at iba pang serbisyong konsular ay kasalukuyan pa rin pong suspendido. Ang Embahada ay mag-a-anunsyo ukol sa muling pagpapatuloy ng mga nasabing serbisyo sa mga susunod na araw.

Para sa requests for assistance to nationals at iba pang emergency, mag-email lamang po sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa (+39) 328 6907613 / (+39) 334 6582118.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.