Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa lahat ng Pilipino sa Italya na ayon sa Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation, ang mga permesso di soggiorno (permit to stay) na nag-expire o malapit nang mag-expire ay mananatiling may bisa hanggang 31 Agosto 2020.
Ang mga nasa Pilipinas na may expired o malapit nang mag-expire na permesso di soggiorno ay pinapayagang bumalik sa Italya hanggang 31 Agosto 2020 nang hindi na kinakailangang mag-apply ng re-entry visa sa Embahada ng Italya sa Manila.
Maraming salamat po.
04 Mayo 2020