Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa lahat ng Pilipino sa Italya ang mga sumusunod na impormasyon ukol sa legal na estado ng mga dayuhan sa bansa sa panahon ng COVID-19 outbreak ayon sa paglilinaw ng Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation noong 06 April 2020:
• Permesso di Soggiorno – Sa ilalim ng Dekreto No. 18 na ipinasa noong ika-17 Marso 2020, lahat ng mga dokumentong galing sa Gobyerno ng Italya, kabilang ang permesso di soggiorno, na nag-expire o nakatakdang mag-expire sa pagitan ng 15 Enero 2020 at 15 Abril 2020, ay mananatiling balido hanggang 15 June 2020.
• Dayuhan sa Italya – Dahil pansamantalang nakasarado ang Immigration Office ng mga Questura, ang mga dayuhan na nasa Italya para sa maiksing panahon ay maaaring manatili sa bansa kahit na malapit nang mag-expire o expired na ang visa, habang patuloy na ipinapatupad ang paghihigpit sa paglalakbay sa Italya kaugnay ng paglaganap ng COVID-19. Ang mga dayuhang nabanggit ay hindi kinakailangan mag-apply ng visa extension ngunit kailangang umalis agad ng Italya sa pagtatapos ng mga nasabing ipinapatupad na alintutunin ukol sa COVID-19.
Maraming salamat po.
07 Abril 2020