MENU

ROME PE

Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa lahat ng Pilipino sa Italya na naglabas ng bagong dekreto ang Presidente ng Konseho ng mga Ministro noong ika- 01 ng Abril 2020 na nagpapalawig sa bisa ng paghihigpit sa paglalakbay sa buong Italya hanggang sa ika-13 ng Abril 2020.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng Embahada ang lahat na manatili sa bahay hangga’t maaari, maliban kung kailangan lumabas para pumunta sa mga trabahong pinahihintulutan, pagbili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gamot o kadahilanang pangkalusugan.

Muling nanawagan ang Embahada sa lahat na sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng Gobyerno ng Italya.

Pinapayuhan din ng Embahada ang lahat na patuloy na alagaan ang kalusugan at panatilihing malinis ang paligid upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga patakarang ipinapatupad ng Gobyerno ng Italya bisitahin ang:

https://www.esteri.it/mae/it/ministero/normativaonline/decreto-iorestoacasa-domande-frequenti

Maraming salamat po.

03 Abril 2020