MENU

ROME PE

Ipinapaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Roma na may nilagdaang bagong ordinansa ang Ministro ng Kalusugan at Ministro ng Imprastraktura at Transportasyon noong ika-28 ng Marso 2020 na nagpapatupad ng mga mahigpit na patakaran para sa lahat ng mga papasok sa Italya gamit ang anumang uri ng transportasyon (pang-himpapawid, pang-dagat, o pang-lupa tulad ng tren, bus, at pribadong sasakyan), upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Sa ilalim ng ordinansang ito, lahat ng papasok sa Italya, kahit na walang pinapakitang sintomas ng COVID-19, ay kailangang sumailalim sa health surveillance at quarantine sa loob ng 14 araw sa kanilang bahay o address na tutuluyan sa Italya. Bago umalis patungong Italya, kailangang sagutan ang self-declaration form na nagsasaad ng dahilan sa pagpunta sa Italya, kumpletong address ng bahay o tutuluyan sa Italya kung saan mananatili habang sumasailalim sa quarantine, sasakyang gagamitin upang makarating sa bahay o tutuluyan, at mobile number. Ang self-declaration form ay isa-submit sa airline o sa transportation operator bago umalis papuntang Italya. Kailangan ding agad na ipaalam ang inyong pagdating sa Dipartimento di Prevenzione ng Azienda Sanitaria Locale (ASL) o local health unit na nakakasakop sa inyong bahay o lugar na tutuluyan.

Maaaring ma-download ang self-declaration form sa website ng Italian Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation (MFAIC): https://www.esteri.it/mae/resource/doc/2020/03/modulo_rientro_da_estero_28mar20.docx

Ipinapaalala ng Embahada sa lahat ng mga Pilipinong babalik sa Italya na sundin ang mga patakarang ito.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website ng MFAIC sa: https://www.esteri.it/mae/en/ministero/normativaonline/decreto-iorestoacasa-domande-frequenti/focus-cittadini-italiani-in-rientro-dall-estero-e-cittadini-stranieri-in-italia.html

Maraming salamat po.

30 March 2020