MENU

ROME PE

Muling pinapayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Roma ang lahat ng mga Pilipino sa Italya na iwasan ang paglabas ng bahay, maliban sa pagpunta sa trabaho, kadahilanang pangkalusugan, para sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gamot, o iba pang emergency.

Kung kailangang lumabas para sa mga nabanggit na dahilan, laging magdala ng autodichiarazione o self-declaration at mga identification documents na maaaring ipakita sakaling matanong sa mga checkpoints ng pulisya. Ang sinumang lalabag dito ay maaaring mapatawan ng parusang multa na hanggang 206 euros o pagkabilanggo ng 3 buwan.

Hinihikayat din ang lahat na subaybayan ang mga pinakahuling balita ukol sa COVID-19 mula lamang sa mga official sources at huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasa sa internet.

Nananawagan ang Embahada sa lahat ng Pilipino sa Italya na sumunod sa mga regulasyong ipinapatupad ng Gobyerno ng Italya, alagaan ang kalusugan at panatilihing malinis ang paligid upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Maraming salamat po.

Embahada ng Pilipinas sa Roma, 19 Marso 2020