MENU

ROME PE

Alinsunod sa bagong dekretong inilabas ng Gobyerno ng Italya noong ika-9 ng Marso 2020 ukol sa paghihigpit sa paglalakbay sa buong Italya, pinapayuhan ng Embahada ang lahat ng mga Pilipino sa Italya na iwasan ang paglabas sa bahay maliban sa pagpunta sa trabaho, para sa kadahilanang pangkalusugan o mga emergency.

Ang mga maglalakbay para sa mga kadahilanang nabanggit ay kinakailangang magpakita ng autodichiarazione o self-declaration sa mga random control points ng pulisya. Maaring humingi ng form sa mismong control points o magprint ng sariling kopya. Maaaring i-download ang form sa website ng Ministero dell'Interno sa https://www.interno.gov.it/sites/default/files/allegati/modulo_autodichiarazione_10.3.2020.pdf

Ang Embahada ay inaabisuhan ang lahat na palaging magdala ng kanilang mga identification documents.

Pinapaalalahanan pong muli ang lahat na sumunod sa mga regulasyon ng Gobyerno ng Italya ukol sa COVID-19. Ang sinumang lalabag ay maaaring mapatawan ng parusang multa hanggang 206 euros o pagkabilanggo ng 3 buwan.

Maraming salamat po.

Embahada ng Pilipinas sa Roma,
10 Marso 2020

 

Modulo autodichiarazione

Sample Modulo autodichiarazione